Ang mga modelo ng Trend Classic Models International (TCMI), 2018 Summer Campers, Way Out Dancers at mga opisyales ng SM City Masinag sa isinagawang programa noong Mayo 28, 2018 para sa 60th Anniversary ng SM Malls kung saan nakibahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares. Tampok sa pagdiriwang ang dance numbers at pagrampa ng mga dumalo sa isang mini fashion show na may temang “Emojis.” Nagsimula ngayong Mayo at aabot hanggang Oktubre ang naturang pagdiriwang kung saan may handog na iba’t ibang sorpresa, discounts, sale at mga freebies sa lahat ng mall branches sa buong bansa.