Nagtipon muli ang mga pinaka-astig na banda ng lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, para ipamalas ang kanilang kagalingan sa tugtugan at magpasaya sa mga AntipoleƱo sa ginanap na Musiklaban 2018 noong Mayo 27, 2018 sa City Mall of Antipolo parking grounds. Kabilang sa mga banda na nagbigay-buhay sa gabi ay ang Kawaii, Nexus, PS2, Days of September, 4 Some Reason, Amateurs, Lunch Box, Hannia, Eureka, Isla, at Blind Curve.

CGA MaytimeFestival10

Sa huli, nagwagi muli sa ikaapat na pagkakataon sa kompetisyon ang PS2 Band na sinundan ng A Days of September at Aristocrat bilang 1st at 2nd runner-up. Kabilang sa mga programa ng pamahalaang lungsod at Antipolo City Culture, Arts, and Tourism Promotions Office (AnCCATPO) ang Musiklaban 2018 bilang selebrasyon ng ika-5 Antipolo Maytime Festival.