Pinarangalan ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na Monday Flag Ceremony noong Hunyo 4, 2018 sa Sumulong Park ang mga nagwagi sa YES Inter-Barangay Booth Competition ngayong taon. Umabot sa halos 6 milyong piso ang kabuuang kinita ng kompetisyon sa pagbebenta ng mga produktong matatagpuan at gawa sa lungsod. Kinilala ang Brgy. San Roque (5th Place), Mambugan (4th Place), San Isidro (3rd Place) at Sta. Cruz (2nd Place) gayundin ang Brgy. Bagong Nayon na tinanghal na grand champion. Tumanggap ng cash prize at trophy ang mga nanalo.