Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na Monday Flag Ceremony noong Hunyo 4, 2018 sa Sumulong Park ang mga kawaning lumahok at nagtapos ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management Training – Training of Trainers. Naganap ang nasabing training noong Abril 23-27, 2018 sa Ynares Hall, Rizal Provincial Capitol kung saan nakatanggap ng Certificate of Completion ang 40 kawaning nakiisa. Layon ng programa ang pagpapalawig ng kaalaman ng mga kawaning nagsasagawa ng mga risk reduction training sa publiko.