Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 514 ng 2018, ang darating na Biyernes, Hunyo 15 ay isang Regular Holiday sa buong bansa bilang bahagi ng paggunita ng Eid'l Fitr o pagtatapos ng Ramadan. Bilang pagtalima sa kautusang ito, wala pong pasok sa lahat ng antas (all levels) ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lungsod. Wala rin pasok ang mga tanggapan ng ating Pamahalaang Lungsod sa nabanggit na araw maliban sa mga opisinang naghahatid ng vital services tulad ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Radio Communications Office, City Social Welfare and Development Office, Office of Public Safety and Security at mga ospital na nasa ilalim ng pamamahala ng City Government of Antipolo. Magbabalik ang mga serbisyo ng ating City Hall sa Lunes, Hunyo 18, 2018.

#WalangPasok #LongWeekend