Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng ilang prestihiyosong tourism agencies sa Pilipinas sa ginanap na 4th General Membership Meeting ng Rizal Travel Agencies Association Inc. (RTAA) noong Hulyo 3, 2018 sa Antipolo City Hall. May temang “Enhancing principles and values for better Business Ethics and Social Responsibility” ang programa na may layong palakasin ang turismo at makapagbigay ng de-kalidad na tours and travel services.

CGA RizalTravelAgenciesMeeting1

Nagkaroon din ng maiikling presentasyon ang ilang agencies kabilang na ang Pacific Cross Insurance, Via.com at Universal Holidays Inc.

CGA RizalTravelAgenciesMeeting2

Nagbigay pagkilala rin sa mga bagong miyembro, pagboto at paghalal sa mga bagong opisyales ng samahan.