Ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, kasama ang 149 Homeowner’s Association Members, at 10 guest speakers sa ginanap na Community Mortgage Program One-Stop Shop Caravan noong Hunyo 29, 2018 sa Antipolo City Hall. Sa pagtutulungan ng Urban Settlement and Development Office (USDO) at Social Housing Finance Corporation (SHFC), umabot sa 3,647 beneficiaries ang programa na may layon bigyan ang bawat isa ng mabilis at maayos na pabahay at lupa.

USDO Onestopshop1

Tinalakay din sa nasabing programa ang Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) process at Community Mortgage Program o ang mga proseso ng pagbibigay karapatan sa mga mahihirap at walang kakayahan makabili ng bahay na magkaroon ng sarili nilang tahanan.

USDO Onestopshop2

Si City Planning and Development Coordinator Rowena Zapanta habang tinatalakay ang ang mga proseso ng pagbibigay karapatan sa mga mahihirap at walang kakayahan makabili ng bahay sa ginanap na Community Mortgage Program One-Stop Shop Caravan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Hunyo 29, 2018 sa Antipolo City Hall. Sa pagtutulungan ng Urban Settlement and Development Office (USDO) at Social Housing Finance Corporation (SHFC), dumalo sa programa ang 149 Homeowner’s Association Members at 10 guest speakers upang talakayin ang mga hakbang na dapat gawin para mahandugan ng mabilis at maayos na pabahay at lupa ang umabot sa 3,647 beneficiaries.