HALOS 1,300 mag-aaral at magulang ang naging benepisyaryo ng 6th Nutrition Caravan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo noong Hulyo 3, 2018 sa Pantay Elementary School. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month na may temang “Ugaliing magtanim, Sapat na nutrisyon aanihin!,” nabigyan ng kaalaman ang mga magulang patungkol sa kahalagahaan ng backyard gardening at ng maitutlong nito sa nutrisyon ng kanilang pmilya.

Ayon kay City Mayor Jun Ynares, naniniwala ang pamahalaang lokal na ang pagkakaroon ng mga malulusog na mamamayan ang susi sa isang maunlad na pamayanan kaya’t walang tigil ang pagpapatupad ng mga programang tutugon sa mga pangkalusugang pangangailangan ng bawat Antipolenyo.

CHO NutritionCaravan1

Sa pagtutulungan at pagkakaisa ng City Health Office (CHO), City Cooperative and Livelihood Office (CCLO), at City Agriculture Office (CAO), nagkaroon ng feeding program sa lahat ng mag-aaral ng Pantay ES samantalang binigyang-diin sa isinagawang lecture para sa mga magulang ang halaga ng wastong nutrisyon sa pamilya.

CHO NutritionCaravan2

Ibinahagi rin sa naturang seminar ang tungkol sa urban gardening o ang pagtatanim ng mga gulay sa maliit na espasyo gamit ang mga recycled material gaya ng PET bottles, gulong, at lata.

Nagsagawa naman ang CCLO ng meat processing demo sa paggawa ng homemade longganisa, tocino, at siomai para mabigyan ng dagdag pangkabuhayan ang mga magulang. Namahagi naman ang CAO ng mga vegetable seedling para sila sa kanilang urban garden.