Mas pinalakas ng Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang Project War Against Mosquito! (WAM) sa ginanap na Aksyon Barangay Kontra Dengue Meeting noong Hulyo 6, 2018 sa Antipolo City Hall. Sa pangunguna ng City Epidemiology and Surveillance Unit, tinuruan ang halos 60 kawaning nakiisa tungkol sa mga pamamaraan para mapigilan ang pagkalat ng mga lamok gaya ng paglilinis ng kapaligiran at pagsira sa mga lugar na maaaring pamugaran ng mga ito.

CHO ProjectWAM1

Tiniyak ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na Aksyon Barangay Kontra Dengue Meeting noong Hulyo 5, 2018 sa Antipolo City Hall na handa ang pamahalaang lokal sa anumang sakit na maaaring kumalat ngayong tag-ulan.

CHO ProjectWAM2

Pinangunahan ng City Epidemiology and Surveillance Unit ang meeting kung saan tinalakay ang mga istratehiyang ipinatutupad at dapat isagawa ng bawat barangay para masugpo ang pagkalat ng mga lamok. Paksa rin ang mga sakit na nakukuha rito tulad ng Dengue, Chikungunya, at Zika.