Iniulat sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Hulyo 30, 2018 sa Sumulong Park ang mga programang naisakatuparan ng Antipolo City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon. Kabilang sa mga tagumpay ng naturang kagawaran ang agarang pagresponde sa 535 kaso ng trauma at medical cases, 11 kaso ng sunog, at 133 vehicular accident. May kabuuang 3,133 katao naman ang nabigyan ng training at seminar patungkol sa bagyo, lindol, basic life support, at basic water rescue.