Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), napagkalooban ng 11,000 hito fingerlings ang 35 mangingisda sa lungsod noong Hulyo 27, 2018 sa isinagawang Seminar on Freshwater Fish Prodution sa FITS Center, Brgy. San Jose. Pinangunahan ng Antipolo City Agriculture Office ang pamamahagi kung saan nabigyan ng dagdag pagkakakitaan ang mga mangingisda. Tinalakay din ng mga kawani ng BFAR ang mga panuntunan sa pangangalaga ng mga ipinamahaging fingerlings gayundin ang impormasyon tungkol sa pagpapalaki ng red tilapia sa container drum, fish health management, tilapia at ulang (hipon) breeding at duck weeds production.