Inilunsad nitong Miyerkules, Agosto 8, 2018 sa Robinsons Place Antipolo Atrium ang Gourmet and Crafts Trade Fair sa pangunguna ng Samahan ng mga RizaleƱo sa Sektor ng Agrikultura at Pagkain (SARAP). Tampok sa naturang bazaar ang mga ipinagmamalaking produkto ng Rizal Province tulad ng handicrafts, fashion accesories, furniture, fresh at processed foods, at mga organic at herbal products. Tatagal ang Trade Fair na ito hanggang Agosto 17.