Sa kagandahang loob ng Jollibee Group Foundation (JGF) at katuwang ang DepEd Antipolo at Pamahalaang Lungsod, inilunsad nitong Huwebes, Agosto 9, 2018 ang Busog, Lusog, Talino School Feeding Kitchen sa Juan Sumulong Elementary School.

CGA BLT SchoolFeeding2

Layon ng naturang programa na turuan ang mga canteen managers at parent volunteers sa mga public elementary schools sa bansa ng tamang portioning at preparasyon ng mga pagkain na inihahanda sa mga school canteens.

CGA BLT SchoolFeeding3

Naniniwala ang JGF na upang makamit ang wastong timbang at nutrisyon sa mga grade school pupils, kailangang masiguro na malinis at masustansiyang pagkain lamang ang naihahain sa mga kantina ng mga paaralan.

CGA BLT SchoolFeeding4

Kasamang dumalo at nakiisa sa naturang okasyon ang mga konsehal mula sa Antipolo 2nd District na sina Councilor Christian Alarcon, Councilor Tony Masangkay, Councilor Nixon Aranas at Councilor Paui Tapales. #BusogLusogTalino