Nakiisa at nagbigay ng mensahe ng suporta sina Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan, Konsehal Paui Tapales, Konsehal Loni Leyva, at Dr. Rommel Beltran sa ginanap na Educator’s Summit 2018 na may temang “Empowering and Embracing Partnership” noong Setyembre 1, 2018 sa San Jose National High School Covered Court. Target ng programa ang pagpapatibay ng ugnayan ng mga kasaping departamento at ahensyang nagsusulong ng edukasyon sa lungsod kaisa ang Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares.