Nagsagawa ng “GSIS Orientation” ang Pamahalaang Lungsod, katuwang ang City Human Resoure and Management Office, para mabigyan ng mga bagong impormasyon at mas lalong maintindihan ng mga empleyado ang mga benepisyo, karapatan, at mga serbisyo na makukuha nila sa GSIS. Ginanap ang nasabing orientation noong ika-4 ng Agosto sa Hamaka Hall. Kabilang ang programang ito sa paggunita ng Civil Service Month na may temang "Lingkod Bayani: Maka-Diyos, Makatao, Makabayan."