Pinangunahan ng City Human Resource Management Office ang lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod nitong Lunes ng umaga, Setyembre 10, 2018 sa Sumulong Park na kung saan ay inilahad ni Antipolo CHRM Officer Dulce Amor Barcena ang mga naipatupad na proyekto at programa ng kanilang opisina.

CGA FlagCeremony37jpg

CGA FlagCeremony33

Sa parehong okasyon ay ginawaran naman ng sertipiko at cash incentive ang mga kawani ng City Government na nagsilbi ng mahigit sampung taon sa serbisyo publiko.

CGA FlagCeremony34

Pinarangalan naman ang unang batch ng winners sa One Day Fun Day activity na ginanap noong nakaraang Biyernes, Setyembre 7 na tumanggap rin ng certificate at cash prize.

CGA FlagCeremony35

CGA FlagCeremony36

Kinilala naman ang nakamit na Seal of Child-friendly Local Governance ng lungsod mula sa Department of Social Welfare and Development at ang parangal na 3rd Best DRRM Council sa Calabarzon Region sa ginanap na 2018 Gawad Kalasag ng National Disaster Risk Reduction Management Council.