Pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang kampanya nitong "violence against women and children" sa ginanap na Gender Sensitivity Training for Male and Spouses ngayong Setyembre 30, 2018 (Linggo) sa mga liblib na lugar sa Brgy. Calawis. Sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWD), naging paksa ang iba't ibang batas tungkol sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan.