Ang buong Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ay nakikiisa sa buong sambayanan sa paggunita ng Cooperative Month ngayong buwan ng Oktubre.
Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 493 ng 2004 at alinsunod sa Republic Act No. 6938 o mas kilala bilang Cooperative Code of the Philippines, kinikilala ang mahalagang papel ng mga kooperatiba sa mabisang pagpapahiram at paglalaan ng pananalapi sa mga Pilipinong nangangailangan ng kapital sa pagnenegosyo at pagpupundar ng mga ari-arian.