Bilang patuloy na paggunita sa ika-118 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ng Bloodletting Program noong Setyembre 26, 2018 sa Taktak Hall. Sa pagtutulungan ng City Human Resource and Management Office, City Health Office, RPHS Binangonan Blood Bank at Margarito Duavit Memorial Hospital, nakalikom ang programa ng 77 bag ng dugo mula sa mga empleyado ng city hall. Isinasabuhay ng programa ang tema ng Civil Service Month na “ Lingkod Bayani: Maka-Diyos, Makatao, Makabayan.”