Binigyan ng pagkakataong matutong magbake ng mga bread, brownies at cake ang mga empleyado ng City Hall sa programang “2nd Batch of Basic Baking for Antipolo City Gov’t Employees” ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Oktubre 3, 2018 na isinagawa sa Livelihood Training Center, Barangay San Jose.

CCLO Baking2

CCLO Baking1

Sa pangangasiwa ng City Cooperative and Livelihood Office (CCLO) at City Human Resource and Management Office (CHRMO), layon ng programa na mabigyan ng karagdagan kaalaman at kakayahan ang mga empleyado sa kanilang mga hilig sa ilalim ng enrichment at capacity building program para sa mga empleyado.