Umabot sa 2,186 senior citizens ang nabahagian ng tulong pinansyal ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na payout ng social pension ngayong Oktubre 11, 2018 sa Ynares Center. Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), layunin ng programa na matulungan at mapagaan ang gastusin ng mga senior citizen pagdating sa kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan.