Magandang kinabukasan at hanap-buhay ang nag-iintay sa scholars na nagsipagtapos ng training para sa Electrical Installation and Maintenance NC II kahapon Nobyembre 6, 2018 sa ginanap na Graduation Program sa City Hall na dinaluhan ni Konsehal Adiong Reyes. Masayang nakiisa ang mga pamilya at kaibigan ng mga scholars upang masaksihan ang kanilang pagtatapos ng skills training na hatid ng Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang TESDA #TayoNaAntipolo#MayorJunYnares