Tagumpay muli ang bitbit ng City Gov’t of Antipolo sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares dahil sa ikatlong pagkakataon ay nakamit ang pinakamataas na pagkilala mula sa DILG. TAYO NA naman ang tinanghal bilang Platinum Awardee, Hall of Famer at Champion sa Environmental Compliance Audit (ECA) sa Regional Level.

Ngayong araw, Disyembre 3, 2018 sa Chateau Royale Hotel sa Batangas ay masayang tinanggap ni 2nd District Councilor Loni Leyva, kinatawan ni mayor Jun, Sir Montefalcon ng DILG Antipolo, mga piling kawani ng Pamahalaang Lungsod at mga kapitan ang halagang higit kumulang kalahating milyong piso bilang premyo. Ang halagang tinanggap ay gagamitin para sa mga proyektong may kinalaman sa pagpapanatili ng kalinisan sa sting Lungsod. #TayoNaAntipolo #MayorJunYnares #DILG