Ipinag utos agad ni Antipolo Mayor Jun Ynares sa HR ng Pamahalaang Lungsod ang pag sibak sa serbisyo ng traffic enforcer na nahuling nagnakaw ng isang bag sa may kanto ng Bonifacio/Carigma St.

Napag alaman na ang taong sinibak ay si traffic enforcer Edgardo Mudan Estonido, 49 y.o, ng 142 P. Oliveros st, Bgy de la Paz. Kasalukuyan din siyang nahaharap sa kasong theft kahit pa nakipag areglo na ang biktima sa halagang P2,500.