Binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang unang burulan sa Antipolo City sa Sitio Tanglaw, Brgy. San Isidro noong Nobyembre 28, 2018. Nakiisa sa ribbon cutting ceremony sina Konsehal Susan Say at mga barangay council bilang hudyat ng pormal na pagbubukas ng pampublikong burulan para sa mga maralitang pamilya sa lungsod. Isusunod na rin ng pamahalaang lokal ang ibang pang pampublikong burulan na bubuksan sa 16 barangay.