Kasabay ng papalapit na bagong taon ay ang pagbubukas ng Electronic Business One-Stop Shop o e-BOSS 2025 para sa NEW and RENEWAL APPLICATION.

Save the dates, this coming January 2 – 20, 2025. Para sa mas convenient at faster transaction ay FULLY ONLINE transaction pa rin po tayo. Narito po ang link para sa Online Application o kaya’y maaari ring i-scan ang QR code sa ibaba:

https://bit.ly/Antipolo-e-BOSS

Para sa mga dati nang mayroong ACTIVE online services account, kinakailangang muling mag sign-up sa nasabing link dahil sa ating newly upgraded system.

A. Sa landing page, piliin ang Business Permit & Licensing Office
B. I-click ang sign up
C. Sagutan ang mga hinihinging impormasyon
D. I-verify ang account

Pero sa mga hindi masyadong techy, maari kayong mag BOOK ng APPOINTMENT para sa online assisted application. Narito naman ang Online Booking para sa Online assisted Application:

https://bit.ly/e-BOSS-OnlineBooking

𝘖𝘯𝘭𝘪𝘯𝘦 𝘰 𝘰𝘯-𝘴𝘪𝘵𝘦 assisted 𝘢𝘱𝘱𝘭𝘪𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 man, siguraduhing kompleto ang mga sumusunod na requirements:

Unified Application Form (online application)

DTI Business Name Registration / SEC Registration

Barangay Business Clearance (to be secured simultaneous with the online application)

TCT or Tax Declaration / Contract of Lease (if renting) – Community Tax Certificate (Cedula) / Corporate Tax Certificate (to be secured simultaneous with the online application)

Financial Documents

Ang ibang requirements naman ay bibigyan ng approval ng ating mga regulatory offices kasabay ng pagpoproseso ng online application:

Office of the Building Official (OBO) Clearance

Locational/Zoning Clearance (ZAO)

Environmental Permit to Operate (CEWMO)

Sanitary Permit to Operate (CHO)

Occupational Permit (PESO)

Fire Safety Inspection Certificate (BFP)

Gaya ng nakaraang taon ay maaari pa rin ang ONLINE para ating payment. Maaaring gamitin ang PayMaya e-wallet (Maya o GCash)

Iba pang mga National Government Agency Clearances kung kinakailangan para sa business na ina-apply. o ang PayMaya/VISA/Mastercard/JBC.

Para sa ating mga katanungan at iba pang mga concerns, makipag-ugnayan lamang sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa mga sumusunod na numero: 8689-4535 / 8689-4586 / 86894500 local 4602 or 4610. Maaari rin silang i-contact sa kanilang facebook page: https://www.facebook.com/https://www.facebook.com/bploantipolocity.