📢 PANSAMANTALANG PAGSASARA NG RPHS ANTIPOLO ANNEX 1
(Rizal Provincial Hospital System Antipolo Annex 1 – dating Antipolo District Hospital)
Ipinapaalam po sa publiko na SIMULA January 1, 2026 ang Rizal Provincial Hospital System Antipolo Annex 1 na matatagpuan sa Purok Imelda, NHA Avenue, Brgy. de la Paz ay pansamantalang magsasara upang bigyang-daan ang isasagawang renovation ng Rizal Provincial Government.
Ang naturang proyekto ay aabot ng ilang buwan. Sa nasabing panahon, pinapayuhan po ang mga residente na karaniwang nagpapatingin dito na magpatingin muna sa alinman sa mga sumusunod:
🏥 Super Health Center, Sitio Cul de Sac, Brgy. San Isidro
🏥 Super Health Center, Sitio Tanza 2, Brgy. San Jose
🏥 Rizal Provincial Hospital System Antipolo Annex 2, Antipolo-Teresa Road, Brgy. Dalig
🏥 Antipolo City Hospital System – Cabading, Marikina-Infanta Road, Brgy. Inarawan
🏥 Antipolo City Hospital System – Annex 4, Sumulong Highway
Para sa kalusugan at kaligtasan ng lahat, tuloy-tuloy pa din po ang serbisyo publiko ng lokal na Pamahalaan.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

