Debosyong apat na siglong bahagi ng kasaysayan ng Antipolo. 🙏💙
Ngayong araw, ginugunita natin ang ika-400 anibersaryo ng pagdating ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa ating bansa at ng kanyang pananahan dito sa ating minamahal na Antipolo.
Noong 1626, dumating ang imahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje matapos ang isang mahaba at mapanganib na paglalayag. Mula noon, hindi na lamang siya naging bahagi ng pananampalataya ng ating mga ninuno—naging bahagi na rin siya ng mismong pagkakakilanlan ng Antipolo.
Kung tutuusin, mahirap ikuwento ang kasaysayan ng ating lungsod nang hindi mababanggit ang Mahal na Birhen. Kasabay ng paglago ng Antipolo sa loob ng apat na siglo ay ang paglalakbay ng milyun-milyong debotong umaakyat sa ating lungsod upang magpasalamat, humingi ng gabay, at magdasal para sa ligtas na paglalakbay.
Hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin ang tradisyong ito. Taon-taon, nakikita natin ang pananampalatayang nagbubuklod sa ating mga kababayan at mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo.
Apat na raang taon na ang lumipas, ngunit nananatiling matatag ang debosyon at pagmamahal ng mga Antipoleño sa ating Mahal na Ina.

400 years of faith. 400 years of devotion. 400 years of pilgrimage. Viva la Virgen!

📸The Antipolo Cathedral